MAYNILA- APRUBADO ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagsasailalim sa dalawang linggong lockdown ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) upang makontrol ang COVID-19 infection at pagpapatupad ng work-from-home arrangement.
Ang mga miyembro ng PLM COVID-19 Task Force ay nagsagawa ng pulong noong Linggo at napagkasunduan na higpitan ang pagpapapasok sa Intramuros campus, simula kahapon, Agosto 3.
Ang desisyon ay dulot ng tumataas na insidente ng active, probable, at suspected cases sa loob ng campus.
Mayroong apat na confirmed cases sa kasalukuyan kung saan dalawa ang nakarekober habang isa naman ang namatay sa mga empleyado.
Mayroon ding tatlong probable case at isang suspect case na minomonitor na ng mga opisyal ng PLM ang kanilang sitwasyon gayundin ang kanilang close contacts.
Ang dalawang linggong lockdown ng PLM ay tugon din sa panawagan ng mga health care worker para sa timeout upang bigyan sila ng oras na makapagpahinga. VERLIN RUIZ
Comments are closed.