(Dahil sa dagdag na fuel surcharge) PASAHE SA EROPLANO TATAAS

EROPLANO-4.jpg

MAGMAMAHAL ang tiket sa eroplano sa susunod na buwan dahil sa pagtaas ng fuel surcharge.

Ayon sa Civil Aeronautics Board (CAB), pinayagan nito ang pagtataas sa fuel surcharge sa Level 6 sa Setyembre mula Level 4 noong Hunyo hanggang Agosto dahil sa pagmahal ng fuel na naglalaro ngayon sa P36 hanggang P39 kada litro.

Ang pagkakaiba ng Level 4 at Level 6 surcharge rates ay mula P224.67 hanggang P4,251 para sa international flights, at P68 hanggang P323 para sa domestic flights.

Sa ilalim ng Level 6, ang mga pasahero na bibili ng plane tickets para sa susunod na buwan ay papatawan ng one-way fuel surcharge na P610.37 para sa international flights sa Taiwan, Hong Kong, Vietnam, Cambodia, o Brunei.

“For destinations more than 14,000 kilometers away from the Philippines, the one-way fuel surcharge will be P4,538.40.

For domestic flights, passengers will see a fuel surcharge of P185 for distances less than 2 kilometers, such as Cebu to Tagbilaran,” ayon sa CAB.

Samantala, para sa layong mahigit sa isang libong kilometero tulad ng Clark hanggang Davao, ang fuel surcharge ay magiging P665.