(Dahil sa DOTr, DPWH projects) GOV’T INFRA SPENDING LUMOBO

TUMAAS ang government spending sa infrastructure noong Agosto sa pagpapatupad ng road at transportation projects, ayon sa datos ng Department of Budget and Management (DBM).

Umakyat ang infrastructure at capital outlays sa P70.9 billion sa naturang buwan o mas mataas ng 60.2% kumpara sa P44.3 billion na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Dahil dito ay pumalo na ang infrastructure disbursements ng gobyerno sa P570.4 billion ngayong taon — tumaas ng 44.6% mula sa kaparehong eight-month period noong 2020.

Ayon sa  DBM kabilang sa pangunahing salik sa pagtaas ang pagpapatupad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng road infrastructure projects.

“These pertain to the construction, completion, repair, rehabilitation or improvement of government buildings; access, by-pass and diversion roads; bridges; along with flood mitigation structures and drainage systems.”

Nakapag-ambag din sa mas mataas na spending noong Agosto ang implementasyon ng aviation sector infrastructure projects ng Department of Transportation (DOTr), partikular ang  Tacloban, Kalibo, at Bukidnon Airport Projects.

Sa kabuuan, ang paggastos noong Agosto ay tumaas ng 34.2% sa P380.2 billion. Dahil dito ay tumaas ang cumulative spending ngayong 2021 sa P2.96 trillion, na tumaas ng 10.9%.

Sinabi ng DBM na umaasa itong mapananatili ang momentum ng spending growth sa nalalabing bahagi ng taon kahit sa ibang expense items tulad ng tax subsidies, interest payments, at net lending assistance sa state corporations.

“Infrastructure and other capital expenditures will continue to drive government disbursements for the remaining months as payables for completed and partially completed infrastructure activities become due and demandable, alongside the regular operating expenditures of various line departments,” anang ahensiya.

6 thoughts on “(Dahil sa DOTr, DPWH projects) GOV’T INFRA SPENDING LUMOBO”

  1. 124566 545170You ought to take part in a contest for among the most effective blogs on the web. I will suggest this internet website! 971549

  2. 108347 548135As I internet site possessor I believe the content material matter here is rattling wonderful , appreciate it for your efforts. You need to keep it up forever! Excellent Luck. 284707

  3. 650077 164901hi!,I like your writing so much! share we communicate much more about your post on AOL? I demand an expert on this location to solve my difficulty. Perhaps thats you! Looking forward to see you. 946660

Leave a Reply

Your email address will not be published.