(Dahil sa epekto ng COVID-19) BMI NG PULIS PARA SA PROMOSYON SINUSPINDE

INAMIN ng Philippine National Police (PNP) na marami sa mga pulis ngayon ang bumabagsak sa Body Mass Index (BMI) o rekisitos sa nararapat na timbang depende sa kanilang taas o height.

Nangangahulugan ito na marami sa mga pulis ang nagtatabaan o bumigat ang timbang dahil sa haba ng lockdown.

Sa memorandum ni MGen. Rolando Hinanay ng Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) sa pamunuan ng PNP, inirekomenda nito na suspendihin ang requirement ng BMI para sa promotion ng mga pulis.

Paniwala ni Hinanay, mas prayoridad nila ang kalusugan at kapakanan ng kanilang mga tauhan.
Paliwanag pa nito, marami sa mga pulis ngayon ang hindi kayang maabot ang kanilang BMI o tamang timbang dahil sa kawalan ng exercise nang magsimula ang pandemic.

Ang mga nasa frontline sa mga checkpoint at police stations ay hindi rin kayang panatilihin ang kanilang BMI dahil sa tindi ng kanilang trabaho nang tumama ang COVID 19.

Hindi rin umano inirerekomenda ang biglaang pagpapayat para lang makuha ang nararapat na BMI dahil delikado ito sa kalusugan ng mga pulis. EUNICE CELARIO

4 thoughts on “(Dahil sa epekto ng COVID-19) BMI NG PULIS PARA SA PROMOSYON SINUSPINDE”

  1. Fantastic beat ! I would like to apprentice while you amend your site, how could i subscribe for a blog web site?

    The account aided me a acceptable deal. I had been a little bit acquainted of
    this your broadcast provided bright clear idea

Comments are closed.