(Dahil sa epekto ng El Niño) 6 BRGYs SA NEGROS OCCIDENTAL KAPOS SA TUBIG

NEGROS OCCIDENTAL- NAKARARANAS na ng kakapusan sa tubig ang may anim na barangay sa bayan ng Himamaylan sa lalawigang ito.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, bunsod pa rin ito ng epekto ng El Niño Phenomenon.

Kabilang sa mga natukoy ng NDRRMC ay ang mga barangay ng Cabadiangan, Nabalian, Carabalan, Su-ay, To-oy at Buenavista na kinakapus na ng tubig na inumin at pang-agrikultura mula pa noong Disyembre ng nakalipas na taon.

Maliban sa Negros Occidental, nakararanas din ng limitadong suplay ng tubig ang Zamboanga City.

Gayunpaman, tinutugunan na ito sa pamamagitan ng “rationing scheme” o pagrarasyon ng mga tubig partikular na sa kanilang central areas.

Uumabot na sa mahigit P1 bilyon ang pinsala ng El Nino sa sektor ng agrikultura kung saan Western Visayas ang nanguna sa may pinakamataas na pinsala.
P ANTOLIN