CAMP AGUINALDO – TINITIYAK ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na handa sila tumugon sa anumang bantang kaguluhan na ilulunsad ng mga grupong hindi kayang tumangap ng katotohanan na mahigit 80 porsyento ng Filipino ay para sa pangkapayapaan.
Ito ang naging tugon ni Col. Noel Detoyato, AFP Public Information Office chief kasunod ng umano’y banta ni Nur Missuari, founder ng Moro National Liberation Front na maglulunsad siya ng digmaan oras na hindi matuloy ang federalism form of government sa ilalim ng Duterte administration.
Sinabi pa ni Detoyato na dapat linawin ni Misuari ang pahayag na ito kung totoo man kaniya itong inihayag.
Samantala, ngayon pa lamang ay tinitiyak ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sakaling mabigo ang gobyerno na isulong ang pederalismo ay hindi sila maglulunsad ng digmaan
Ayon kay MILF chairman Al Hajj Murad Ebrahim kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbanta umano ng digmaan si MNLF founding chairman Nur Misuari sakaling hindi mapalitan sa pederalismo ang sistema ng pamahalaan sa bansa.
Ayon kay Ebrahim, katanggap-tanggap na raw para sa kanilang panig ang Bangsamoro Organic Law (BOL) at oras na isakatuparan ang pederalismo, hindi raw sila mag-aatubiling suportahan ito.
Pinawi rin ni Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr. ang pangamba ng publiko hinggil sa naging bantang giyera ni misuari.
Ayon kay Galvez, tuloy-tuloy naman ang ginagawa ng pamahalaan para maipaunawa sa mga tao ang kahalagahan ng pagsasa-batas ng federal system, ngunit kailangang irespeto aniya ang proseso ng pagsasabatas nito. VERLIN RUIZ
Comments are closed.