(Dahil sa fish kill) STATE OF CALAMITY SA LAKE SEBU TOWN POSIBLE

TINITINGNAN ng mga opisyal sa lalawigan ng South Cotabato na isailalim sa state of calamity ang lake Sebu town dahil sa fish kill.

Ayon kay Deputy Lake Warden Jose Rudy Muyco, inihanda na nila ang rekomendasyon kay Mayor Floro Gandam kaugnay sa usapin.

Batay sa datos ng Municipal Government sa naturang lugar mula nitong Sabado, umabot na sa 1,340 fish cages mula sa 20 hectares ng Lake Sebu ang naapektuhan ng fish kill.

Nasa 143, 571 kilos ng mga isda ang namatay o katumbas ng P10, 049, 970 ang halaga.
DWIZ 882