ZAMBOANGA CITY – ISANG ina ang pinagputol-putol ng kanyang anak dahil lamang walang maibigay na pagkain sa lungsod na ito.
Ayon sa mga kapitbahay ng mag-inang Dondie al Sharif Nur at Alona Villareal, napilitang mamalimos ang matanda upang may maipakain lang sa anak.
Araw-araw rin nilang nakikita si Villareal para maghanap ng pagkain subalit bigla na lamang itong nawala.
Sa hindi inaasahan ay bigla na lamang nilang nakita si Nur na lumabas ng kanilang bahay at nagtapon ng malaking bag sa damuhan.
Nang siyasatin ng kaniyang kapitbahay kung ano ang itinapon nito ay nakita ang labi ng kanyang ina na pinagputol-putol.
Dito rumesponde ang mga pulis upang dakpin si Nur subalit nanlaban ito kaya walang nagawa ang pulis kundi paputukan na sanhi ng kanyang kamatayan. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM