NAGDULOT ng pagkaantala sa mga clearing operations ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kahabaan ng Sibuyan Circumferential Road sa Romblon Province ang malalakas na ulan at hangin na dala ng Bagyong ‘Kristine’ habang nananatiling hindi madaanan ang maraming bahagi ng kalsada sa mga rehiyon ng Bicol at Silangang Visayas dahil sa pagbaha.
Sa ulat ng DPWH Bureau of Maintenance nitong Oktubre 23, iniulat na 20 seksyon ng kalsada ang sarado sa trapiko.
Ang mga pagsasara ay dahil sa iba’t-ibang dahilan kabilang ang gumuhong mga detour road, pagbaha, pagguho ng lupa, mga natumbang puno at pagguho ng mga bato.
Kasama sa ulat ang 15 apektadong bahagi ng kalsada sa Region V (Bicol), apat (4) sa Region VIII (Silangang Visayas) at isa (1) sa Region IV-B (Mimaropa).
Sa Sibuyan Circumferential Road sa Romblon, natabunan ng lupa at natumbang mga puno ang mga bahagi ng K0005+250-K0005+300 sa Brgy. Cambijang, Cajidiocan at K0057+650-K0057+660 sa Brgy. Poblacion, Magdiwang na hindi madaanan.
Sa Albay, sarado pa rin ang mga sumusunod na bahagi ng kalsada dahil sa pagbaha at pagguho ng lupa: DM Jct-Legazpi-Sto. Domingo-Tabaco-Tiwi-Camarines Sur Boundary Road, Nagas Br. 1, K0565+702-bumagsak ang detour road dahil sa ongoing bridge work; Albay West Coast Road, Libon – binaha at nagkaroon ng pagguho ng lupa; Ligao-Pio Duran Road (S03661LZ) K0520+0250 to 0520+0300, Brgy. Malama at K0503+0800 to K0504+0200 Brgy. Cavasi at Brgy. Tinampo, Ligao City-binaha; Oas Poblacion Road K0496+(-200)-K0496+0100 at K0497+0000 – K0497+0350 Brgy. Ilaor Norte, Oas – binaha; at Libon-Bacolod-San Vicente-Marocmoc Buga Rd (S03691LZ) K0498+0450 to K0498+0600 Brgy. Bonbon at K0489+0700 to K0490+0000 Brgy. San Isidro, Libon.
Sa Camarines Norte, apektado ng pagbaha ang mga kalsadang ito: Talobatib-Jose Panganiban-Poblacion Road – sa iba’t ibang barangay; Sta. Elena – Capalonga Bypass Road, K0268+300, Brgy. San Lorenzo, Sta. Elena; Bagong Silang-Capalonga Road, K0325+600-K0325+650, Brgy. Mataque at K0317+000, Brgy. Old Camp sa Capalonga; at Maharlika Highway K0329+802, Bical Bridge, Brgy. Iberica, K0322+200, Sitio Mineral, Brgy. Talobatib, K0281+000, Brgy. Tigbinan, at K0307+900 – K0308+150, Brgy. Namukanan sa Labo.
Bukod dito, ang mga kalsada sa Camarines Sur, Masbate at Sorsogon ay nakakaranas din ng parehong kondisyon kung saan apektado ang ilang bahagi ng pagbaha at pagguho ng mga bato.
Kasama rito ang Pili-Tigaon-Albay Boundary Road, K0479+000-K0480+000, intermittent sections, Camarines Sur-nakakaranas ng pagbaha at pagguho ng mga bato; Lagonoy-Presentacion Road, Kinahulugan Section, Bagong Sirang Section, & Adiangao Section) K0488+800 RL, Camarines Sur – binaha; San Fernando North Road, K0015+700, Brgy. Sta. Rosa, San Fernando, Masbate – binaha; San Pascual-Claveria Road, K0054+470, Poblacion 1, Claveria, Masbate – binaha; at Juban-Magallanes Road, K0609+600-K0609+725, Sorsogon – binaha.
Sa Region VIII, ang mga kalsadang sarado ay kinabibilangan ng Catarman-Calbayog Road, S00004SM), K0776+000, Poblacion Lope De Vega, Northern Samar – binaha; alternatibong ruta ay maaaring daanan sa Maharlika Highway sa pamamagitan ng Allen-Catarman Road; Catarman-Laoang Road (S00175SM) K0757+900 – K0758+300 Brgy. Chitongco at K0762+000 – K0763+050 Sitio Banika Brgy. Bugko, Mondragon, Northern Samar – binaha na umabot sa 0.91 metro ang taas ng tubig; Calbayog-Catarman Road, K0787+300 – K0789+500 Brgy. Tarabucan, Calbayog City, Samar – binaha na umabot sa 0.60 metro ang taas ng tubig; at Pangpang-Palapag-Mapanas-Gamay-Lapinig Road, K0810+500, Brgy. Maragano, Palapag, Northern Samar – barado ng debris flow.
Ang San Francisco – San Andres – San Narciso Road sa K0314+490 sa Quezon Province at Masbate-Milagros Rd, K0010+000, Brgy. Usab, Masbate City ay passable lamang sa mabibigat na sasakyan dahil sa pagbaha.
Ang ibang mga kalsada sa Camarines Sur ay passable pa rin ngunit limitado lamang sa mabibigat na sasakyan dahil sa pagbaha: Tigaon-Lagonoy Section, K0480+000 – K0488+000, intermittent sections; Tct. Teres – Garchitorena K0545+200; Tinambac – Siruma Road, K0522+050; at Goa-Digdigon-San Isidro Road, K0488+(-600).
Ang mga Quick Response Assets ng DPWH mula sa mga apektadong Regional at District Engineering Offices ay naka-preposition para sa clearing operation habang ang Disaster Incident Management Teams ay patuloy na nagmomonitor sa kondisyon ng iba pang mga pambansang kalsada at tulay.
RUBEN FUENTES