MAY 26 empleyado ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang sinibak at dalawa ang sinuspinde magmula noong nakaraang taon dahil sa iba’t ibang paglabag, ayon kay Commissioner Romeo D. Lumagui Jr.
Ipinakikita ng naturang mga numero kung gaano kaseryoso ang BIR na disiplinahin ang hanay nito alinsunod sa haligi ng Integrity and Professionalism of the Institution and its Employees ni Commissioner Lumagui.
Ayon sa BIR, ang mga dahilan ng pagkakasibak ng mga empleyado ay kinabibilangan ng grave misconduct, serious dishonesty, frequent unauthorized absences, falsification of official documents, gross neglect of duty, insubordination, at absence without official leave.
“As we transform the BIR into an institution of integrity and excellence, we have removed 26 and suspended 2 erring employees. Keep in mind that you have no business working for the BIR if you fail to meet our standards for Integrity and Professionalism,” wika ni Lumagui.
Plano ni Lumagui na magsagawa ng BIR regular investigations sa mga opisyal nito at magpapataw ng mga parusa tulad ng suspensiyon at dismissal kung kinakailangan.
“We are committed to provide a new BIR to the public. One that has integrity and professionalism,” Lumagui emphasized.