KASUNOD ng insidente ng pananaksak sa loob ng Uinibersidad ng Pilipinas , pinag-iingat at hinihikayat ng pamunuan ng UP Diliman Campus ang lahat, lalo na ang mga estudyante na ireport sa awtoridad ang anumang kahina-hinalang bagay o insidente.
Naglabas ang UP Diliman ng isang urgent advisory ng matapos ang nangyaring pananaksak sa isang indibidwal kamakalawa ng gabi sa National Science Complex ng unibersidad.
Dahil sa insidente, agad namang nagdagdag ng mga security personnel ang UP-Diliman para mabigyan ng proteksyon at mas mabantayan ang malawak na compound ng eskwelahan nitong Lunes ng gabi.
Samantala, kasalukuyang nasa ilalim na ng QC Police District ang hurisdiksyon sa pag-iimbestiga sa nangyaring pananaksak.
Matatandaang noong Hulyo ng nakaraang taon, isang babaeng estudyante ang mabiktima ng sexual assault sa loob din UP Diliman campus. P ANTOLIN