TRAPIKO SA METRO MANILA BAHAGYANG BUMILIS – MMDA

trapiko

MALAKI ang naitulong ng kabi-kabilang cleanup drive sa mga lungsod sa Metro Manila para bumilis ang daloy ng sasakyan sa naturang lugar.

Sa ulat, gumaan nang bahagya ang trapiko sa EDSA kasabay ng pag-arangkada ng 60 araw na cleanup drive sa mga lansangan.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) general manager Jojo Garcia, isa sa mga sanhi ng pagsisikip ng trapiko sa ilang kalsada na nagkokonekta sa EDSA ay ang mga illegal vendor at iba pang sagabal.

Dahil dito, nagkakasa rin aniya ang ahensya ng clearing operations sa mga exit point ng EDSA.

Kasabay ng direktiba ng Department of the Interior and Local Government (DILG), nagsasagawa rin ng operasyon ang ahensya sa mga ilegal na terminal.

Ikinalugod naman ni Garcia ang aktibong kooperasyon ng mga local government unit (LGU) para sa nasabing operas­yon.

Samantala, nagpahayag naman ng pagiging proud ang ilang residente ng Las Pñas City.  Sinabi ni Aling Rosie na kung tutuusin ay matagal na nilang sinimulan ang paglilinis ng kapaligiran.

“Sa amin nag-umpisa ang malinis na paligid at hindi tala­mak na sidewalk vendor dahil sa utos na rin ng aming Mayora Imelda T. Aguilar,” ayon pa kay Aling Rosie.

Dagdag pa ng residente ng Brgy. Almanza Uno, pangunahing hinarap ng kanilang ba­rangay at opisyal ang paglilinis ng kalsada kaya matagal na nilang nakakamit ang maalwang trapiko.

Kung tutuusin aniya, sa 16 siyudad sa Metro Manila ay Las Piñas ang unang naglinis ng kalsada.

Ang Metro Manila ay binubuo ng 16 siyudad, una ang Maynila, Pasay, Makati, Taguig, Las Piñas,  Parañaque, Muntinlupa, Quezon City, San Juan, Mandaluyong, Pasig, Caloocan, Navotas, Malabon, Valenzuela at Marikina. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.