(Dahil sa kaguluhan sa Middle East) OFWs SA KSA PINAG-IINGAT AT PINAGHAHANDA

Middle East

PASAY CITY – PINAG-IINGAT ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga overseas Filipino worker (OFW) na nakabase sa Saudi Arabia at agad hu­mingi ng tulong sa mga tauhan ng embahada roon.

Ginawa ng DFA ang panawagan kasunod ng pagtaas ng tensiyon sa Middle East partikular ang Iran at Iraq.

Sa advisory ng DFA nakasaad na “be vigilant against potential security threats, observe security measures and proto-cols established by the Saudi government, and abide by the laws, rules, and regulations of the Kingdom of Saudi Ara-bia.”

Sakali namang may maganap na security-related incidents maaaring makipag-ugnaya ang  OFWs sa Assistance-to-Nationals Section (ANS) sa Philippine Embassy sa Riyadh sa pamamagitan ng  Landline Number – 011-480-1918 at Hot-line Number – 056 989 3301. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM