(Dahil sa kakulangan ng suplay sa pamilihan) PRESYO NG ASUKAL TATAAS PA

SUGAR

INAASAHAN na ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang pagtaas pa ng presyo ng asukal sa bansa.

Sa harap ito ng kakulangan ng asukal sa pamilihan dahil sa bagyong Odette at iba pang sama ng panahon.

Ayon kay SRA Administrator Hermenegildo Serafica, Pebrero pa nila nakikita ang magiging kakulangan ng suplay ng asukal dahil sa epekto ng mga bagyo sa plantasyon ng tubuhan.

Posible namang kulangin pa ang suplay ng asukal sa bansa dahil natagalan ang pag-aangkat kasunod ng temporary restraining order ng sugar producers.

Sa mga pamilihan, tumaas na ng P10 ang presyo ng asukal.

Samantala, nagbabala ang SRA na hindi na sapat ang suplay ng raw sugar sa bansa.

Ito ay matapos mapilitan ang mga manufacturer na kumuha ng lokal na suplay nito na limitado na lamang sa merkado.

Sinabi ni Serafica na maraming manufacturer ngayon ang bumibili ng raw sugar upang iproseso bilang refined sugar para sa kanilang consumption.

Batay sa datos ng SRA, nasa P49 hanggang P71 na ang kada kilo ng raw sugar sa mga pamilihan ngayong buwan mula sa dating P41 hanggang P56.

Habang P58 hangang P70 naman ang presyo nito sa mga palengke kumpara sa P43 hanggang P48 kada kilo noong nakaraang taon. DWIZ 882