(Dahil sa kaso ng serial killing sa 4 Pinay) JUSTICE MINISTER NG CYPRUS NAG-RESIGN

Ionas Nicolaou

NICOSIA – MAKARAANG mabulgar ang sunod-sunod na pagpatay sa apat na Filipina sa Cyprus na hindi agad naimbestigahan, nag-resign ang justice minister ng Cyprus.

Una nang umamin ang Greek-Cypriot army officer na nakapatay siya ng pitong migrants na babae at apat dito ay apat na babae kasama ang 6-anyos na paslit.

Ayon sa dating opisyal na si Ionas Nicolaou, ang kaniyang pagbaba sa puwesto ay dahil sa “political responsibility.”

Gayunman, nilinaw nito na wala siyang kinalaman sa nasabing kaso.

Inakusahan ang opisyal na hindi nito pag-iimbestiga sa kaso dahil lang ang mga biktima ay mga migrant.

Una nang kinilala na kabilang sa pinatay ay sina Mary Rose Tiburcio, 39; Arian Palanas Lozano, Maricar Valtez Arquiola na pawang mga domestic workers mula sa Filipinas.

Kasama rin sa idinamay ng serial killer ay ang anak ni Tiburcio na si Sierra, 6.

Ang serye nang patayan ay nagbunsod sa ilang mga residente sa Cyprus na magsagawa nang kilos protesta upang hilingin ang hustisya para sa mga biktima.

Ilan sa mga detalye na lumabas sa court hearings, ay sinabi umano ng army officer na nakilala niya ang ilang mga babae sa pamamagitan ng online dating site.

Iniulat naman ng State-run Cyprus News Agency na inihayag ng mga imbestigador sa korte na inamin daw ng suspek na sinakal niya ang isa sa mga biktima na kanyang nakilala online matapos makipagtalik. GELO BAINO