(Dahil sa kasong syndicated estafa) BANGSAMORO POLICE CHIEF SINIBAK

INUTOS ni Philippine National Police chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na alisin na si BGen. John Guyguyon bilang hepe ng PNP Bangasamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao (BARMM) at pansamantalang isinailalim sa kustodiya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Field Unit kamakalawa.

Ito ay matapos na arestuhin ng PNP-CIDG si Guyguyon matapos na isangkot sa kasong estafa makaraang isilbi ang arrest warrants na inilabas ng dalawang Quezon City RTC courts laban sa hepe ng BARMM para sa hablang syndicated estafa.

Dalawang magkahiwalay na kaso ng syndicated estafa ang inilabas ng Quezon City Regional Trial Court Branch 104 na may petsang Dec. 1, 2022 at QC-RTC Branch 91 na may petsang May 20, 2022.

Mapayapa namang sumama si Guyguyon sa arresting team nang puntahan sa PRO-BAR Regional Headquarters sa Camp Gen Salipada Pendatun, Parang Maguindanao. VERLIN RUIZ