PINARANGALAN ng Dutch government ang tatlong Filipina dahil sa hindi matawarang dedikasyon sa pagtulong sa kanilang mga kababayan at iba pang lahi sa The Netherlands.
Tinanggap ng tatlo ang Koninklijke onderscheidingen o royal honors na taunang pagkilala sa natatanging kontribusyon sa lipunan ng mga Dutch at mga dayuhan sa kanilang bansa.
Ang tatlong pinarangalang Pinay ay sina Cecilia Francisco-Lansang , Corazon Van Campenhout-Alarcon At Avelina Rodriguez-Baxa
Kinilala ang tatlo sa pagiging aktibo sa iba’t ibang organisasyon sa The Netherlands at tumutulong din sa mga kapos palad na mga pamilya sa Filipinas.
Itinuring naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na modern-day heroes ang tatlo dahil sa kanilang katangian.
“The Department of Foreign Affairs honors our modern-day heroes for their contributions in advancing the cause and interest of the Filipinos both in the Philippines and overseas, and for bringing honor and recognition to the country through excellence and distinction in the pursuit of their profession, noble service, and volunteer work,” ayon sa statement ng DFA. EUNICE C.
Comments are closed.