(Dahil sa kumpiyansa sa muling pagbubukas ng ekonomiya) FOREIGN INVESTMENTS BUMUHOS

BSP

MAS maraming foreign investments ang pumasok sa bansa noong Enero kumpara sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa isang statement, sinabi ng central bank na may $961 million na halaga ng foreign direct investments (FDI) ang naitala sa unang buwan ng taon. Mas mataas ito ng 41.5% kumpara sa $679 million noong Enero 2020.

“This development reflects the investors’ optimism at the start of the year due in turn to the gradual reopening of the economy under the ‘new normal’ condition, easing of lockdown measures, and positive news about the rollout of COVID-19 vaccines,” sabi ng BSP.

Maraming dayuhan ang naglagay ng pondo sa debt instruments sa naturang buwan, na nagtulak sa strong performance ng FDIs.

Naitala ang investments sa $535 million, na ayon sa BSP ay mas mataas ng 116% kumpara sa  $248 million na naiposte sa kaparehong panahon noong 2020.

Samantala, ang investments sa equity capital ay nagtala lamang ng 0.5% paglago sa $351 million mula sa $350 million noong nakaraang taon.

“This resulted following continued inflows from new placements, amounting to US$362 million in January 2021 (from US$374 million last year), coupled with less withdrawals of US$10 million in January 2021 (from US$24 million in January 2020),” ayon pa sa central bank.

Karamihan sa equity capital placements na isinagawa noong Enero ay nagmula sa Singapore, Japan at the Netherlands at ipinasok sa mga sektor ng financial and insurance; manufacturing; at professional, scientific, at technical industries.

2 thoughts on “(Dahil sa kumpiyansa sa muling pagbubukas ng ekonomiya) FOREIGN INVESTMENTS BUMUHOS”

  1. 984212 784091Correct humans speeches need to seat as properly as memorialize about the groom and bride. Beginer sound system around rowdy locations need to always not forget currently the glowing leadership of a speaking, which is ones boat. very best man speeches brother 242742

Comments are closed.