(Dahil sa lamig ng panahon) OFWs SA ISRAEL BINAHA

israel

TEHRAN – PINAALALAHANAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga overseas Filipino worker (OFW) sa Israel makaraang maitala ang pagbaha roon dahil sa malamig na panahon.

Ayon sa isang OFW na taga-Min­danao, malawak ang pagbaha sa Tel Aviv at marami na ring Filipino ang apektado.

Nag-ugat ang pagbaha dahil sa walang humpay na malakas na pag-ulan sa mga nakalipas na araw.

Ayon kay Aviador, umabot pa sa dalawang araw na hindi tumitigil ang pag-ulan dahilan para makaranas sila ng pagbaha.

Dagdag ng Pinay worker, hindi naman sila gaanong apektado ng matinding pagbaha ngunit nakaranas ng ulan sa Ness Ziona, Israel.

Samantala, inihayag ni Aviador na naglabas ng abiso si Prime Minister Benjamin Netanyahu na kung sakaling mangangailangan ang Estados Unidos ng tulong laban sa Iran ay nakahandang tumulong ang kanilang bansa.

Una nang sinabi ng OFW na hindi sila pababayaan ng Israel kahit anuman ang mangyari. EUNICE C.