NASA 10% ng petroleum retail stores sa bansa ang nagsara dahil sa low demand para sa krudo sa gitna ng ipinatutupad na enhanced community quarantine, ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi.
“Ang mga retailer at least 10% of our retailers ay sarado,” wika ni Cusi sa Laging Handa public briefing.
Sinabi ni Cusi na ang mga nagsarang oil retail outlets ay matatagpuan sa mga lugar na hindi pinupuntahan ng mga motorista.
“Because of the ECQ, walang nagpapalagay, walang bumibili ng gasolina. So it is commercially advantageous na isara muna nila,” dagdag ng Energy chief.
Gayunman, tiniyak ni Cusi sa publiko na may sapat na suplay ng langis at koryente sa bansa sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis.
“Kailangan po natin ang dire-diretsong supply ng koryente at oil dahil ito po ang nagbibigay ng power para makapa-glingkod ang ating mga frontliner,” aniya.
“Kaya nga po noong pasimula pa lamang po ang lockdown o ECQ ay in-organize na natin ito,” dugtong ng opisyal.
Comments are closed.