(Dahil sa lumalaking demand) PRESYO NG BABOY, MANOK TUMAAS

SUMIRIT ang presyo ng baboy at manok sa ilang pamilihan sa Metro Manila dahil sa lumalaki umanong demand dulot ng unti-unting pagbubukas ng ekonomiya.

Batay sa report, ang kasim  ay mabibili ngayon sa halagang mula P320 hanggang P370 habang ang kada kilo ng liempo ay mula P340 hanggang P380z

Ang presyo ng manok ay pumapalo naman sa P150 hanggang P180 kada kilo.

Dahil sa taas-presyo ay dumadaing ang mga nagtitinda na matumal ang benta.

Kung dati ay nakakabenta sila ng 500 kilo, ngayon, anila, ay nasa 300 kilo na lamang.

Ipinaliwanag naman ng United Broiler Raisers Association (UBRA) na ang dagdag-presyo ay bunsod ng mataas na demand matapos magbukas ang ekonomiya.