(Dahil sa lumolobong  distressed OFWs) RECRUITMENT AGENCIES SA JEDDAH PINATAWAG NG POLO

SAUDI ARABIA

SAUDIA ARABIA – PINATAWAG ng Philippine Overseas Labor Office sa Jeddah, ang recruitment agencies na nakabase sa nasabing bansa kaugnay sa tumataas na bilang ng mga distressed overseas Filipino worker (OFW) partikular ang mga domestic helper.

Kabilang sa tinalakay na usapin ni Labor Attache Nasser Munder ang non-payment ng salaries, maltreatment at physical abuse, sexual abuse, kaku-langan ng pahinga at pagkain.

Umapela naman si Assistant Labor Attache Germie Daytoc sa Saudi recruiters na i-monitor ang kanilang kinuhang household workers at tulungan sa kanilang problema.

Dapat anilang kumilos ang ahensiya kapag umabot sa tatlong buwan pataas na hindi napapasuweldo ang OFW. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.