TUMAAS ang presyo ng bangus at ilan pang isda sa mga pamilihan dahil sa epekto ng malamig na panahon.
Bukod dito ay lumiit din ang mga ibinebentang bangus.
Sa Blumentritt Market sa Maynila, tumaas ng P20 ang presyo ng medium-sized na bangus na dati ay P180 kada kilo, at ngayon ay P200 na.
Mabibili naman ang tilapia sa halagang P130 kada kilo mula sa dating P100 lamang;
Ang yellowfin tuna ay P260 kada kilo na ngayon mula sa dating P200.
Ang salmon naman na mabibili dati ng P120 hanggang P130.00 kada kilo ay P180 na ngayon.
Makakabili naman ng galunggong sa halagang P200 kada kilo mula sa dating P160.
Samantala, sa Magsaysay Fish Market, ang mga ibinebentang malaking bangus ay nasa P150 hanggang P160 kada kilo, habang ang malilit naman ay nagkakahalaga ng P110 kada kilo.
Inaasahang sisirit pa ang presyo ng bangus sa mga susunod na araw.
DWIZ 882