(Dahil sa Malampaya shutdown) INGIL SA KORYENTE MAY DAGDAG

TATAAS ang singil sa koryente ngayong Nobyembre dahil sa Malampaya shutdown.

Ito na ang ika-8 sunod na buwan na may dagdag sa household power rates

Sa isang advisory, sinabi ng Meralco na tataas ang singil sa koryente ng P0.3256 per kilowatt-hour (kWh) sa P9.4630 per kWh ngayong buwan mula sa P9.1374 per kWh noong Oktubre dahil sa mas mataas na generation charge dulot ng Malampaya shutdown.

Katumbas ito ng P65.12 dagdag-singil sa total bill ng mga kumokonsumo ng 200 kWh, P97.68 sa 300 kWh, at P162.6 sa mga kumokonsumo ng 500 kWh.

Sinabi ng  power distributor na ang November generation charge ay tumaas ng P0.2911 per kWh sa P5.3346 per kWh mula P5.0435 per kWh noong nakaraang buwan na resulta ng Malampaya natural gas facility shutdown.

“The shutdown resulted in higher costs of power from the Wholesale Electricity Spot Market (WESM) and Independent Power Producers (IPPs),” ayon sa Meralco.

Ang Malampaya facility maintenance shutdown mula October 2 hanggang 25 ay nagresulta sa kaunting supply sa WESM, sabi pa ng Meralco.