(Dahil sa masamang tingin) EX-CHILD ACTOR JIRO MANIO NANAKSAK

JIRO MANIO

MARIKINA CITY – ARESTADO ang dating child actor na si Jiro Manio matapos manaksak dahil lamang sa masamang tingin sa lungsod na ito.

Sa salaysay ni Manio kay Capt. Ricardo Mendoza ng Marikina City Police, hinampas siya ng helmet ng biktima.

Nangyari ang insidente sa Brgy. San Roque pasado alas-7:00 ng gabi noong Biyernes.

Pahayag naman ni Mendoza, nakasalubong ni Manio ang biktimang si Zeus Doctolero at nagkatinginan ng hindi maganda kaya inatake ng dating child actor ang huli.

Una munang nagsuntukan ang dalawa hanggang saksakin ni Manio si Doctolero.

Galing umano ang kutsilyo sa karinderya na pinagtatrabahuan ni Manio.

Sinabi ni Doctolero sa pulisya na magka­kilala na sila dati pa ni Manio.

Sa salaysay ni Manio, naglalakad siya pauwi nang makita si Doctolero, nagkatinginan aniya sila pero nagulat siya nang bigla siyang hampasin ni Doctolero ng dala nitong helmet.

Isinugod sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center si Doctolero matapos masaksak ng tatlong beses ni Manio, dalawa sa balikat at isa sa ulo. ELMA MORALES

One thought on “(Dahil sa masamang tingin) EX-CHILD ACTOR JIRO MANIO NANAKSAK”

  1. 243887 242830Yours is actually a prime example of informative writing. I feel my students could learn a whole lot from your writing style and your content material. I may possibly share this post with them. 622677

Comments are closed.