MAKARAANG humupa ang baha sa lalawigan ng Cagayan, tumambad sa mga mamamayan ng bayan ng Sta. Praxedes ang mistulang cake na nahati sa apat ang kalsada dahil sa mga naglalakihang mga troso ang bumagsak mula sa bahaging kabundukan nang nasabing bayan, dulot ng pagbaha at landslide.
Isinisisi naman sa posilidad na illegal logging ang pangyayari.
Ayon kay Mayor Esterlina Aguinaldo, nahihirapan ang kanilang hanay maging ang DPWH sa pagsasagawa ng clearing operation dahil hanggang ngayon ay nakararanas pa sila ng manaka-nakang pag-ulan sa kanilang lugar
Samantala, nananatiling sarado ang kalsada papunta at palabas ng Ilocos kaya, kanyang pinayuhan ang mga nagbabalak na pumunta sa lugar na pansamantala munang ipagpaliban para hindi na dumagdag sa problema ng LGU-Sta Praxedes, dahil sa nahati sa apat ang nasabing kalsada.
Nanawagan na rin ang punong bayan ng Praxedes sa alkalde ng Pagudpud, Ilocos Norte, na huwag munang magpapasok ng anumang uri ng sasakyan na magtutungo sa Cagayan.
Mayroong 74 na commuters ang nasa kanilang evacuation centers na magtutungo sana sa Ilocos Region. IRENE GONZALES
Comments are closed.