CAVITE- LABIS ang panghihinayang ng mga mangingisda dahil hindi na mapakinabangan ang mga nahuling lamang dagat nang mapag-alaman na may bakas na ito ng langis mula sa oil spill.
Ang kumalat ang langis ay mula sa oil tanker na lumubog sa Limay, Bataan na umabot na sa Cavite.
Dahil kumalat na ang oil spill sa baybayin dagat ng Cavite, idineklara kahapon ni Cavite Gov. Jonvic Remulla ng state of calamity sa mga apektadong lugar sa nasabing lalawigan.
Kabilang na rito ang Bacoor, Kawit, Noveleta, Rosario, Tanza, Naic, Maragondon, at Ternate.
Idineklara rin ang ‘no-catch zone’ sa mga shellfish gaya ng tahong, alimasag, alimango at halaan sa mga nabanggit na lugar.
Magbibigay ang Cavite provincial government ng 25,000 relief goods para sa mga apektadong mangingisda.
SID SAMANIEGO