(Dahil sa oversupply)KAMATIS BAGSAK-PRESYO

kamatis

BUMAGSAK sa P20 hanggang P30 ang presyo ng kada kilo ng kamatis sa ilang pamilihan sa Metro Manila.

Mula ito sa P100 noong nakaraang mga buwan.

Ayon sa mga nagtitinda, mura ang kamatis ngayon dahil marami ang supply nito.

Nauna nang sinabi ng Department of Agriculture (DA) na gumagawa na ito ng hakbang para matulungan ang mga magsasaka sa Nueva Vizcaya matapos maitala ang sobrang suplay ng kamatis.

Ayon sa ahensiya, bibilhin ng mga institutional buyer ang ani ng mga tomato farmer upang hindi sila malugi sa kanilang puhunan.

Matatandaang nanawagan ang mga magsasaka sa pamahalaan bunsod ng sobrang produksiyon ng kamatis kung saan ang ilan sa kanilang mga produkto ay itinatapon na lang matapos mabulok.