(Dahil sa pagsipa ng production cost) TAAS-PRESYO SA BABOY

TUMATAAS ang presyo ng baboy sa mga pamilihan dahil sa pagtaas sa farm inputs at production costs, ayon sa Pork Producers Federation of the Philippines Inc. (PPFP).

Sinabi ni PPFP president Rolando Tambago na ang farm-gate price ng baboy ay tumaas sa average na P210 kada  kilo.

Ayon kay Tambago, ang farm-gate price ay tumaas dahil ang gastos sa farm inputs ay sumirit.

Tinukoy rin ng PPFP chief ang “gap” na nagkakahalaga ng P120 sa pagitan ng farm-gate at  retail price ng baboy sa mga pamilihan dahil sa transportation o logistics costs.

“The government should focus on finding a solution in addressing the gap,” aniya.

Sinabi ni Tambago na ang tumataas na logistics at doing business costs ay nagdagdag ng  P120 hanggang P150 kada kilo sa farm-gate price.

Binigyang-diin niya na dapat pag-aralan ng pamahalaan ang gap sa pagitan ng farms at retailers, at idinagdag na walang nagmamanipula sa presyo ng baboy dahil nakakalat ang hog raisers sa buong bansa.

“Logistics and inputs are the problem, that’s why the price of pork is higher,” aniya.