BUMABA pa ang bilang ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na may lisensiya para makapag-operate sa bansa.
Sa pagdinig ng House Committee on Ways and Means, iniulat ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na aabot na lamang sa 39 POGOs ang may lisensiya.
Ayon kay Joseph Lobo ng PAGCOR, ang naturang bilang ay mababa kumpara sa 63 POGO licensees noong 2019 at 53 POGOs noong 2020.
Mula naman, aniya, sa 39 POGO licensees, 27 ang operational sa kasalukuyan bunsod na rin ng epekto ng COVID-19 pandemic.
Pagdating naman sa accredited service providers, nasa 146 ang bilang ng PAGCOR ngayong 2021, na mababa rin sa 228 noong 2019 at 185 noong 2020.
Bumaba rin ang bilang ng POGO workers ngayong taon na may kabuuang 31,816 mga Pilipino at dayuhang tauhan kumpara sa 120,000 noong 2019 at 50,259 noong 2020. CONDE BATAC