(Dahil sa pangha-harass sa media) KOJC MEMBERS ASUNTUHIN NG CIDG

KAKASUHAN ng direct assault ang mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ dahil sa pangha-harass sa mga kasapi ng media, mga sibilyan at maging sa hanay ng kapulisan sa kasagsagan ng law enforcement operation laban kay Self Proclaimed appointed son of God, Apollo Quiboloy.

Ito ang inihayag ng bagong hirang na pinuno ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Police Brig. General Nicolas Torre. III

Mariin din na inihayag ni  BGen Torre na tutugisin nila at kakasuhan ang mga taong nagbanta sa kanyang pamilya sa kasagsagan ng manhunt operation kay Apollo Quiboloy.

Ayon kay Police Brigadier General Nicolas Torre ang kanyang pamilya at maging ang mga pamilya ng iba pang  police officers na siyang tumatanggap ng mga pagbabanta at  harassment noong nasa kainitan na ng pagtugis kay Quiboloy sa loob ng  Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao City.

“‘Yung in-involve nila mga anak namin, mga asawa namin, ay teka muna, over and above the bakod na ‘yan. Hindi pupwede ‘yan,” ani Torre isa sa mga personal na maghahain ng kaso laban sa ilang personalidad.

Maging ang mga social media account  umano ng kanyang mga anak binabaha ng hate messages noong tinutugis na si Quiboloy.

“One of the complainants is General Nicolas Torre dahil kasama ako…I will also file the direct assault charges dahil may direct assault sa akin. I will be personally filing cases,” anang heneral; sa isang radio interview.

Hindi umano mapapalampas ni Torres ang mga pagbabanta laban sa mga pamilya ng mga police officers at maging sa sarili niyang pamilya  na tumutupad lamang sa tungkulin.

Bukod sa mga pananakot nang harass sa pamilya ng mga pulis ay nagsasagawa na rin umano ng case build up ang CIDG laban sa mga tinaguriang kasapi ng Angels of Death, ang umanoy private army  na ginagamit ng kampo ni  Quiboloy para takutin ang mga biktima nito.

VERLIN RUIZ