SA layuning mas mapalakas ng Pilipinas ang posisyon nito sa West Philippine Sea ay naglatag ng mga boya sa iba-ibang bahagi ng karagatang sakop ng Pilipinas ang Philippine Coast Guard(PCG).
Kasunod ito ng panibagong radio challenged sa PCG mula sa Chinese Navy habang papuntang Pag-asa Island para mamahagi ng ayuda sa mga residente.
Inihayag ng Philippine Coast Guard na pinapalakas lamang nila ang kanilang defense sa paglalagay ng mga markers or bouys sa West Philippine Sea.
Ayon kay PCG Vice Admiral Joseph Coyme, ang mga inilagay na cardinal markers ay magsisilbing babala o alarma sa mga naglalayag na ang direksyon ay dapat na tahakin .
“If you try to look at the claim features ng Philippines, Vietnam at China, halos magkadikit-dikit lang kasi siya. So, lalo ‘pag gumamit ka ng eroplano, may possibility madaanan ‘yung sinasabing territorial airspace nila,” diin ni Coyme.
Samantala, nilinaw ng PCG na walang dapat ikabahala dahil normal lang umano na makatanggap ng radio challenge mula sa Chinese Navy na malapit sa inaangking teritoryo ng Pilipinas.
“We respond [to] them through voice radio. We are telling them this is a normal routine,” dagdag pa nito.
Hindi naman sang-ayon ang Philippine Navy sa napa-ulat na radio challenge ng China sa mga tauhan ng coast guard.
Sa isang panayam, sinabi ni Philippine Navy chief Vice Admiral Toribio Adaci Jr., na ang Beijing ang siyang lumalagpas at hindi ang Pilipinas.
“I believed the scenario happened in the vicinity of Pag-asa Island and it’s obvious who is crossing the boundary,” ani Vice Adm Adaci sa TV program.
Hindi umano dapat naglabas ng radio challenged ang China , Nilinaw ng opisyal na ito ay kanyang opinion.
Naniniwala si Adaci na malaking bagay ang “code of conduct “ sa South China Sea para maiwasan ang anumang aggressive action sa dagat sakop ng Pilipinas .
“Nowadays, the maritime environment has become complex. Nations have resorted to the use of white ships, I’m referring [to] coast guard ships, to prosecute their territorial claims. That blurs the distinction between the navy and the coast guard,” anang Navy chief.
“We should give focus on external defense operations because… the challenge is really on our territorial waters,” sabi pa ni Adaci.
Kasabay nito, inihayag ni Adaci na nakahanda ang Philippine Navy kahit wala pang official directive hinggil sa joint patrols kasama ng US.VERLIN RUIZ