CAGAYAN – TINATAYANG aabot sa dalawang libong manggagawa ang matinding maapektuhan sa bayan ng Santa Ana, Cagayan sa desisyon ng pamahalaan na tuluyang isarado ang pasilidad ng internet gaming ng Philippine Offshore gaming Operations (POGO) sa bansa.
Ayon kay Mayor Nelson Robinson, libong workers ang magiging jobless at maapektuhan ang kanilang kabuhayan sa pagpasok ng taong 2025 dahil sa ipinalabas na Executive Order 74 ng Malacanang sa pagsasara ng POGO sa Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) at Freeport sa munisipalidad ng Santa Ana, Cagayan.
Base sa Executive Order 74, pina-revoke ang lahat ng POGO licenses na sakop ng CEZA kung saan ito ang Asia’s 1st regulated interative gaming internet simula noong 2003.
Sa pahayag ng dating public relations consultant ng CEZA na si Dindo Danao, ipinakilala ng CEZA ang kauna-unahang “i-gaming” para mahikayat ang foreign investors na makakuha ng lisensya sa offshore gaming operators kung saan makilala ang bayan ng Santa Ana bilang regulated gaming.
“It was a unique marketing strategy,” pahayag ni Danao kung saan idinagag pa nito na mahihikayat ang mga operator na makatulong sa konstruksiyon ng international airport at cyber village.
Sa patuloy na pagpapaliwanag ni Danao, noong 2016 ay inilunsad ng Phil. Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) ang POGO framework at binigyan ang mga operator na mas favorable condition kaugnay sa offshore gaming.
“Sa pagsasara ng POGO’s ay malaking apekto sa ekonomiya sa nasabing munisipalidad at mga residente partikular na sa mga manggagawa na mawawalan ng trabaho.” dagdag pa ni Danao.
“Once a thriving industry providing jobs in customer service, logistics, security and support roles, POGO’s departure left thousands of Santa Ana residents unemployed,” pahayag pa ni Danao.