(Dahil sa pork tariff cut) P1.3-B KITA NAWALA SA GOV’T

Carlos Dominguez

NASA P1.356 billion ang nawala sa pamahalaan sa pagbabawas ng taripa sa imported pork meat.

Nauna nang sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III Dominguez na ang revenue losses mula sa mas mababang pork import tariffs ay maaaring umabot sa P11.2 billion ngayong taon.

Inihayag naman ng Department of Finance (DOF) na iniulat ng Bureau of Customs (BOC) ang pagtaas sa pork imports sa 76 million kilograms mula Abril hanggang Hunyo.

Sa report kay Dominguez, sinabi ni Customs Commissioner Rey Guerrero na ang mga importer ay nagdala ng 24.45 million kg ng pork noong Abril, 36.5 million kg noong Mayo, at 15.14 million kg mula Hunyo 1 hanggang 11.

Ayon kay Guerrero, ang April 2021 shipments ay mas mataas ng 500% kumpara sa imports sa kaparehong panahon noong nakaraang taon na 4.07 million kg, habang ang para sa Mayo 2021 ay mas mataas ng  506% kumpara sa May imports noong 2020 na 6.02 million kg, Guerrero.

“For the period April 9 to June 11, 2021, the BOC posted a total collection of 846.96 million pesos. We estimated the revenue losses from EOs 128 and 134 to have reached P1.356 billion for this period,” ani Guerrero.

Noong nakaraang Abril ay nagpalabas si Pangulong Rodrigo Duterte ng EO 128 na nagbababa sa taripa sa imported pork meat sa 5% hanggang 20% mula 30% hanggang 40%.

Inilabas naman ni Duterte noong Mayo ang EO 133 na nagtataas sa minimum access volume (MAV) para sa pork imports sa 254,210 metric tons (MT) mula 54,210 MT.

Kasunod nito ay inaprubahan niya ang EO 134, na nagtatakda ng taripa sa pork imports sa ilalim ng  MAV sa 10% para sa unang tatlong buwan, at 15% sa susunod na siyam na buwan.

Layon ng mga executive order na mapababa ang presyo ng baboy sa mga palengke, na tumaas dahil sa kakulangan ng suplay makaraang manalasa ang African swine fever sa ilang lalawigan sa bansa.

Gayunman ay tinutulan ng mga hog raiser ang pagpasok ng mga imported pork dulot ng mababang taripa dahil makapipinsala, anila, ito sa local industry.

5 thoughts on “(Dahil sa pork tariff cut) P1.3-B KITA NAWALA SA GOV’T”

  1. 835102 497266When I originally commented I clicked the -Notify me when new surveys are added- checkbox and from now on whenever a comment is added I purchase four emails sticking with the same comment. Possibly there is by any means you might get rid of me from that service? Thanks! 682599

  2. 538021 580408The vacation unique deals offered are believed as a selection of possibly the most preferred and therefore within your budget all over the globe. Quite a number of hostels can be proudly located inside property which is accented who has striking seashores encouraging crystal-clear rivers, contingency of an Ocean. hotels compare rates 81033

  3. 531113 12716Hi there, just became alert to your blog by way of Google, and identified that its truly informative. Im gonna watch out for brussels. Ill be grateful should you continue this in future. Plenty of folks will likely be benefited from your writing. Cheers! 763670

Comments are closed.