INALERTO ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang mga tauhan bilang paghahanda sa inasahan port congestion kaugnay sa reimposition ng truck ban sa EDSA Magallanes, North Avenue sa Quezon City at Kalakhang Maynila.
Ayon sa ulat, nagsimula kahapon ang total truck ban sa mga pangunahing kalsada kung saan ipinagbabawal na dumaan ang six wheelers truck pataas mula sa EDSA Magallanes sa Pasay papuntang North Avenue sa Quezon City kapag window hours upang masolusyunan ang matinding trapik sa Metro Manila.
Dahil dito, naalarma at nangangamba ang pamunuan ng BOC sa magiging epekto nito sa port congestion bunsod sa reimpositon ng total truck ban sa Metro Manila.
Ayon sa BOC, ang resumption ng truck ban ay maaring magkaroon ng problema sa mga yarda sa Port of Manila at Manila International Container Port (MICP) dahil ang kanilang yard utilization ay nasa 70 at 75 percent lamang.
Batay sa isinagawang Time-Release Study sa MICP, ang kanilang actual average release time ng goods sa mga importation ay 2 araw, 10 oras at 3 minutos mula sa submission of goods declaration para sa issuance ng clearance at 3 araw, 13 oras at 29 minutos sa exportation.
Kaya’t bilang paghahanda, nakikipag-ugnayan ang BOC sa Shipping Lines at Terminal Operators para maiwasan ang port congestion at hindi maapektuhan ang pagkaantal ng delivery ng goods galing sa loob ng mga pier. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.