INIHARAP sa media sa Camp Crame ang naarestong negosyane na bumaril sa isang family driver sa Ayala Tunnel sa Makati City dahil gitgitan sa kalsada.
Mismong si Interior Secretary Benhur Abalos ang nagharap kay Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Rommel Francisco Marbil at sa media sa Camp Crame sa Quezon City.
Sinabi ni Marbil na gitgitan lamang ang sanhi ng pamamaril sa pagitan ng suspek na si alyas Gerald at biktima sa Kalayaan Avenue.
Natunton ang suspek batay sa plate number ng sasakyan nito at tinungo sa Las Pinas City subalit nasukol sa Riverside, Pasig City.
Batay sa imbestigasyon, tinamaan ng bala ang balikat ng biktima na nasa 60-anyos at naglagos sa leeg habang ang sakay nitong babae at bata ay hindi naman nasugatan.
Sa pagsisiyasat, gumamit ng caliber 40 ang suspek na ayon sa saksing rider na nakita niya ang babaeng angkas ng biktima na humingi ng tulong.
“Nakita ko si ate hawak hawak niya si baby… Humihingi ng tulong, pinara ako. Sabi ni ate, galing daw silang BGC.
‘Di lang daw sila nagkabigayan sa kalsada, sa daan, ‘yun. Pailalim daw sila, tapos yung Mercedes Benz na kulay itim paakyat daw nung Ayala. ‘Yun, bigla nalang daw po may isang putok lang daw. Tapos ‘yun nakita daw niya ‘yung driver niya nag aagaw buhay na,” ayon sa rider.
EUNICE CELARIO