DAHIL SA SULU BOMBING, PNP MAY SECURITY ADJUSTMENT

sulu bombing

CAMP CRAME – MAGPAPATUPAD ang Philippine National Police (PNP) ng security adjustment sa buong bansa.

Ito ay kasunod ng ng umano’y suicide bombing sa Indanan, Sulu partikular sa isang military camp.

Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, iniutos  na niya sa mga PNP commander na kaila­ngang paigtingin ang kanilang security protocol upang maiwasan na ang kahalintulad na pangyayari.

Lalo na’t nag-iba na ng taktika ang mga terorista kung saan gumagamit na ng mga Filipinong suicide bombers.

Sa pagsabog sa Indanan, Sulu, 3 sundalo, 3 sibilyan at 2 umanong suicide bomber ang namatay. REA SARMIENTO

Comments are closed.