(Dahil umano sa kapabayaan) SHARON CUNETA PINANGARALAN NG NETIZEN SA PANINISI SA GMA7

sharon cuneta

SA  kanyang Instagram account ay iginiit ni Sharon Cuneta na kapabayaan ang hotshotsdahilan ng pagkamatay ni Eddie Garcia noong Huwebes (June 20).

Si Sharon ang pinaka-emosyonal sa lahat ng mga artista na nag-post ng kanilang reaksyon.

Sa caption ng photo posting ni Megastar, nagsusumigaw ang mensahe niya na buhay pa raw sana si Manoy kung walang nangyaring kapabayaan  at nasiguro ang kaligtasan ng mga artista.

Pagdidiin pa ng Megastar na hindi lang propesyonal ang naging relasyon niya kay Manoy dahil lumaki siya sa pagtuturo sa kanya ng actor.

Ayon pa kay Sharon kung naging 100% lang daw na naging maingat  ang ilang tao at hindi na­ging pabaya ay buhay pa raw sana si Manoy hanggang ngayon na itinuturing niyang ama sa showbiz industry.

Pero pagli­linaw ni Megastar na hindi niya nilalahat ang buong organization o ang anumang istasyon sa natu­rang isyu dahil ayaw rin naman niyang masangkot sa nangyari kay Manoy.

Ang hindi lang daw niya matanggap ay ang mga sinasabing, “wala namang may gustong mangyari nito.”

‘I am angry because  this  could  have  totally  been  avoided.  Buhay  ni  Tito Eddie  ang nawala  at nawala  siya sa amin. Di ninyo maintindihan ang nararamdaman namin. Please stop giving  me flak at this painful time,” say ni Sharon.

Samantala, isang follower naman ng Megastar ang nangaral kay Sharon at sinabi na hindi ang mga singer/concert artist ang makapagsasabi kung hanggang kailan mabubuhay si Manoy.

“May mga tao nga grabe ang aksidenteng nangyayari, yet they still survive. It`s  up to God I guess becoz if it`s not yet his time, God will definitely let him live…” say ng netizen kay Sharon na hindi na sinagot ng Megastar.

YASSI PRESSMAN INI-UPLOAD ANG VIDEO NG PARU-PARONG DUMALAW SA SET NG ANG PROBINSYANO

MARAMI ang kinila­butan sa naging post ni Yassi Pressman na nakasama ni Manoy Yassi pressmansa seryeng Ang Probinsyano. Nag-upload ng short video si Yassi habang nasa set sila i­lang oras matapos pumanaw ang multi-awarded actor/director.

Ang caption nga ni Yassi sa video, “this  was a very special moment on the set of #FPJ’s Ang Probins­yano… kakabukas lang ng camera sa phone namin nang biglang may paru-parong hindi kami iniwan…waited  till the end.”

Makikita nga sa video ang paru-parong lumilipad-lipad sa set. Dinig nga ang isang staff na nagsalita ng, “naku, Diyos ko, Lord.”

Si Yassi naman ay sinusundan-sundan ng tingin ang paru-paro at kapag malapit na sa kanya ay sinusubukan niyang padapuin sa kanyang mga palad.

Nang lumipad nang palayo ang paru-paro ay nag-wave na sila ng pamamaa­lam dito.

May paniniwala sa ibang Pinoy na ang paru-paro ay isang kaluluwa ng namayapa at sinasabing nagpaparamdam daw ang yumao sa pamamagitan nito.

STEPSON NI MANOY IKINUWENTO ANG MALUNGKOT NA BUHAY NG

YUMAONG AKTOR

BASE sa post ng stepson ni Manoy na si Congressman Mikee Romero ay malungkot Mikee Romerodaw ang na­ging kapalaran ng dalawang tunay na anak ni Eddie at maging ang tunay na misis ng actor.

Ang wife ni Manoy ay namatay sa cancer habang ang dalawang anak niya ay namatay din, ang isa sa heart attack at ‘yung isa ay sa motorcycle accident.

Ngayon lang din nalaman ng lahat na may buhay pang anak si Manoy na si Erwin.

Ang labi ng actor ay nakalagak ngayon sa Heritage Memorial Park na dinaragsa ng mga taga-showbiz bilang pagkilala sa nag-iisang Manoy Eddie Garcia ng showbiz industry.

Anyway, ang cremation lang ang nasunod sa gustong mangyari ni Eddie kapag siya ay namatay dahil kahit abo na lang ay pinaglalamayan siya sa Heritage Memorial Park hanggang Linggo. Ilang beses kasi sinabi ni Manoy sa interview sa kanya ni Mario ng TV Patrol noon na ayaw nitong paglalamayan siya at ayaw rin ng may fanfare.

Sa lahat ng mga nagmamahal at supporter ni Manoy ay magiging open sa publiko ang kanyang burol sa Heritage Memorial Park hanggang ngayong araw ng Linggo.

5 thoughts on “(Dahil umano sa kapabayaan) SHARON CUNETA PINANGARALAN NG NETIZEN SA PANINISI SA GMA7”

  1. 588108 781120This internet internet site is my breathing in, genuinely excellent layout and perfect content material . 161876

  2. 618731 959628Be the precise blog should you have wants to learn about this subject. You comprehend considerably its almost onerous to argue to you (not that I personally would needHaHa). You undoubtedly put a new spin for a subject thats been discussing for some time. Nice stuff, basically nice! 868406

Comments are closed.