GOOD day, mga kapasada!
Isa pong magandang pagkakataong masasabi para sa ating pitak Patnubay ng
Drayber ang muling lumarga pagkatapos ng maraming mga araw na hindi tayo nagkakatalamitam kahit na sa pamamagitan man lamang ng pitak na ito.
Sa loob po ng maraming taong namamayagpag ang ating kolum ay ngayon lamang natin naranasan ang hindi tayo magkabalitaan dahil sa naging balakid na COVID-19 pandemic.
Gaya ng malimit nating banggitin, hindi lamang sa pamamagitan ng pitak na ito, kundi sa palasak nating bati sa mga mahal sa buhay – STAY SAFE PO sa lahat ng mga kasalamin.
Marami pong humihiling sa pitak na ito noong hindi pa tayo sumasailalim sa lockdown tungkol sa kanilang mga problema sa kanilang mga sasakyan na ang karaniwang daing ay kung bakit nag-ooverheat ang makina ng kanilang sasakyan.
Para po sa mga nagsitawag sa akin na wala naman akong maisagot kundi wala tayong isyu dahil sa pandemya, heto na po ang kasagutab ng ating kolum sa inyong problema.
Marami pong dahilan kung bakit ang inyong sasakyan ay nag-ooverheat tulad ng leaky cooling system, blocked radiator, bad thermostat, o failed water pump. Iyan po at marami pang iba ang karaniwang pinagmumulan ng inyong mga katanungan.
Narito po ang ilang katanungan:
- Ano ba ang overheating?
- Mayroon bang cooling system ang aking sasakyab?
- Papaano gumagana ang aking cooling system kung mayroon man?
- Bakit nga ba nag-ooverheat ang makina?
- Ano ang mga curative measure para maiwasan ang overheating?
- Iyan at marami pang iba ang karaniwang katanungan ng ating mga kapasada sa pitak na ito na siya nating pinagsikapang ihanap ng katugunan sa pamamagitan ng ating mga suking laging sinasangguni.
PAGSASAAYOS NG ENGINE PARA ‘DI MAG-OVERHEAT
Gaya ng dati, sinadya natin ang talyer ni Mang Jeric, ang Jeric’s radiator and electrical shop sa kahabaan ng Dr. A santos Avenue sa Paranaque City sa pamamagitan ng tawag sa telepono.
Gaya ng dati, hindi naman tayo pinagkaitan ng tulong at mga insightsm para sa mga problema natin sa ating engine kung bakit ito nag-ooverheat.
Ayon kay Mang Jeric, “heat is the number one enemy of an engine. The damage caused by overheating can be catastrophic and requires a complete overhaul or replacement if the problem is not caught in time.”
Inisa-isa ni Mang Jeric ang mga karaniwang dahilan ng pag-overheat ng engine na kung hindi kaagad mabibigyan ng wastong atensiyon ng ating mga drayber ay magiging result nito ay straightforward repairs samantalang ang iba ay maaaring gumugol ng maraming oras sa pagsasagawa ng reparasyon, idagdagdag pa rito ang mahal na presyo ng piyesang gagamitin sa pagre-repair.
Unang isinalaysay ni Mang Jeric kung ano anfmg kahulugan ng engine overheating.
Ayon sa kanya, ang engine operates efficiently at a certain temperature. Ang naturang temperature ng engine ay lubhang napakainit kung ito ay madadaiti sa ating kamay.
Ang overheating, ayon kay Mang Jeric, ay nagaganap kung ang temperature ng engine ay tumataas to a point na maaaring maging sanhi ng mechanical trouble ng sasakyan.
Karaniwan, aniya, na ang sustained temperature ng makina na higit pa sa 240 degrees Fahrenheit ay sapat nang makababahala sa may-ari ng sasakyan.
Kapag mayroong steam na nagmumula sa engine area, ang temperature gauge ay umaangat sa spiking to the red zone, ang engine warning lights – ay karaniwang nag-aanyong thermometer– ay mga palatandaan na ang inyong engine ay maaaring nag-ooverheat.
May cooling system ba ang aking sasakyan? – iyan ang karaniwang katanungan ng mga car owner na nagtutungo sa kanyang radiator and electrical shop tulad ng mga karaingan ng ating mga kapasadang sumasangguni sa ating pitak na Patnubay ng Drayber.
Nilinaw ni Mang Jeric na no matter how big or small ang sasakyan, ang bawat engine nito ay mayroong cooling system. Kung walang cooling system, tiyak na magkakaroon ng crack ang engine sa sandaling umabot sa lagpas sa takdang init na maaaring batahin ng engine.
Sa mga bagong uri ng engine ngayon ay karaniwang may new innovation or vehicle development, ayon kay Mang Jeric. Bagaman ang iba ay walang naka-install na radiator, tiyak na ang car engine ay dinesenyo na air-cooled.
Sa makabagong disenyo ng engine ng sasakyan, liquid cooling system ang karaniwang disenyo ngayon sa bagong design and development.
Kung bago ang inyong sasakyan, nakatitiyak, aniya, na ito ay equipped with a cooling system that circulates coolant na kilala rin sa tawag na anti-freeze throughout the engine and through a radiator upang mabawasan ang pag-iinit.
Papaano naman ito gumagana? Medyo napakamot sa ulo si Mang Jeric at matapos lumapit sa isang nakabuyangyang na engine na kanilang inaayos sa kanilang talyer ay saka nagpaliwanag.
Alam ninyo, maraming parte mayroon ang cooling system ng makina, tulad ng water pump, thermostat, a heater core, a radiator, coolant hoses at ang buong makina itself.
Muling lumapit si Mang Jeric sa nakalatag na makina sa kanyang talyer at isa-isang ipinaliwanag ang bawat piyesa ng cooling system.
Ang water pumps ay mayroong impeller na siyang nagpapa-circulate sa coolant.
Ang impeller ay kawangis ng fan o windmill, at ito ay pinaiikot sa pamamagitan ng serpentine belt o ‘yung tinatawag na timing belt o chain.
Ang coolant ay umaagos sa pamamagitan ng engine’s coolant jacket na kung tawagin ay labyrinth of channels through the engine block.
Aniya, ang init ng engine ay ina-absorb sa pamamagitan ng coolant at out of the engine and into the heater core.
Ang heater core ay isang maliit na radiator sa loob ng inyong sasakyan na siyang magpapainit sa interior.
Ang iba pang dahilan kung bakit nag-ooverheat ang engine gaya ng karaniwang nagaganap tulad ng may tagas ang cooling systems. Ang karaniwang dahilan nito ay may hanging pumapasok sa cooling system.
Kung mayroong tagas, natural na ang coolant level ay bumabagsak at ito ay nahihigop na papasok at circulated, ang end result nito ay ang pagkakaroon ng airlock.
Ayon kay Mang Jeric, ang airlock ay malalaking bula na hindi kayang itulak sa cooling system sa pamamagitan ng pag-agos ng collant na siyang nagiging sanhi ng paghinto ng sirkulasyon ng coolant na natitira sa loob ng engine na nagiging dahilan ng sobrang pag-iinit ng engine.
Bilang pangwakas na pagpapaliwanag ni Mang Jeric, ang karaniwang remedy upang mabawasan ang pag-ooverheat ng engine ay ang water pump replacement, ayon sa specification sa manufacturer’s manual, radiator repair kung kaya pang isaayos o kaya ay palitan na ito ng bago, mag-anti-freeze flush, thermostat replacement, engine oil top-up o palitan ng bagong engine oil, at coolant hose replacement.
DI NA KAILANGAN ANG MC BARRIER SA MAG-AANGKAS
Pinahintulutan na ng National Task Force for COVID-19 ang pag-aangkas sa motorsiklo nang walang barrier o harang sa mga naninirahan sa iisang bahay sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) simula nitong Agosto 19, 2020.
Subalit ayon sa NTF for COVID-19, ang mga hindi naman nakatira sa iisang bahay ay kinakailangan pa ring magsuot ng inaprubahang back-like shield na dinisenyo naman ng ride hailing app na Angkas.
Binigyang linaw ng National Task Force na kinakailangang awtorisado pa rin ang mga aangkas sa motorsiklo, habang ang driver naman ay papayagan kahit hindi authorized person out of residence (APOR).
Idinagdag pa ng National Task Force na kailangan din na pribadong pag-aaari ng mga ito ang motorsiklong ginagamit at hindi nirentahan lamang para gamiting panghanapbuhay.
Gayon din dapat ay naka-face mask at full face helmets ang mga magka-angkas habang bumibiyahe.
Samantala, binigyan naman ng National Task Force ng pahintulot ang local authorities kung magpapatupad ang mga ito ng katulad na alituntunin batay na rin sa kanilang lokal na sitwasyon.
Sinabi naman ni Lt. Gen. Guillermo Eleazar, Task Force Covid Shield Commander, na kailangang magpakita ng katibayan o ID o certification mula sa barangay na magkasama sa iisang bahay ang magkaangkas.
Nilinaw rin ni General Eleazar na ang motorcycle barrier ay mananatiling kahingian sa mga drayber at back rider na naninirahan sa magkatabing bahay kahit pa sila ay magkamag-anak.
Ang ganitong paglilinaw ay ipinalabas ng National Task Force upang maiwasan ang anumang hindi inasahan sa pagpapatupad ng nasabing pahintulot na ‘di na kailangan ang motorcycle barrier sa mag-aangkas.
LAGING TATANDAAN: UMIWAS SA AKSIDENTE UPANG BUHAY AY BUMUTI.
HAPPY MOTORING. STAY SAFE!
Comments are closed.