(Dahilan ng mahabang pila sa NAIA) MABAGAL NA E-ARRIVAL CARD SCANNING IIMBESTIGAHAN

NAIA

NAIA imbestigahan ng Kamara ang mahabang pila sa Arrival area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos makarating ang reklamo ng returning Filipino Overseas Workers sa kanilang kaalaman na ang makupad na E-arrival card scanning bago makapasok sa immigration counter ang dahilan.

Ayon sa pahayag ng mga OFW, ang E-card ay kapalit ng dating one health pass na ipinatutupad ng mga Department of Health (DOH) at ito ang nagiging sanhi upang humaba ang pila bunsod ng mabagal scanning process ng DOH.

Sinabi ng Filipino Community sa Hongkong malaking abala ito sa kanila lalo nat inaasahan ang pagdagsa ng malaking volume ng mga pasaherong OFW at mga pinoy magbabakasyun sa darating na holiday season.

Kaugnay nito, inatasan ng House Committee on Transportation ang Bureau of Quarantine (BOQ) ng Department of Health (DOH) at MIAA na alamin ang tunay na dahilan sa mahabang pila sa mga terminals sa bansa.

Ang hakbang na ito ng mga mambabatas ay isang paraan upang kumilos ang mga kinauukulang para masolusyunan ang problema sa lalong madaling panahon.

Ayon sa report, ilang mga mambabatas din ang naging biktima sa makupad na sistema na ipinapatupad ng Bureau of Quarantine na NAIA. FROILAN MORALLOS