HUMINGI ng paumanhin ang Daily Tribune sa pagsi-share ng unvalidated information na nagkamaling iniugnay si Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. sa isang drug enforcement document.
Ayon sa Daily Tribune, ikinalulungkot nila ang ipinost na art card sa Facebook at kinikilala nila ang pinsala at kalituhan na idinulot ng irresponsible social media material.
“It understands the importance of upholding the truth and integrity, especially when it comes to matters concerning public figures,” pahayag ng Daily Tribune sa isang open apology.
“In taking full responsibility, DAILY TRIBUNE’s online team learns from this experience and will be more diligent and discerning in the future when it comes to sharing information by verifying sources and ensuring the accuracy of the information before dissemination,” dagdag pa nito.