DAING VENDOR SI ALING NERISSA

positibo_esikyu

ISDANG daing at tuyo ang paninda ni Aling Nerissa Yoranes, may-asawa at dalawang anak sa Palatiw, Pasig.daing

Gaya ng iba dumanas din ng kakulangan si Aling Nerissa nang ipatupad ang enhanced community quarantine.

Unang problema niya ay masasakyan para magtungo sa palengke para makapagtinda.

Bagaman naisyuhan siya ng ID bilang essential ay natengga rin siya sa bahay

May isang linggo siyang natigil sa pagtitinda subalit naisipan na ang to tindang daing at tuyo ay ilagay sa harap ng bahay.

At hindi siya nabigo, pumatok ang kanyang paninda.

Kinalaunan, ang paninda niya ay kadagdagan.

May tinapa na rin, may kamatis, sibuyas, bawang at iba pang pangunahing gulay na madaliang mabili kapag nag-luluto.

Ang bangkito kung saan inilalatag ni Aling Nerissa ang tindang daing at tuyo ay baging mahabang lamesa na.

Ganoon nakaraos ang ating bida at ngayong general community quarantine na ay tuloy ang pagtitinda ni Aling Nerissa.

“Medyo nasanay na ako dito pero kapag mas lumuwag pa ay balik din ako sa palengke,” pag-amin ni Aling Nerissa sa PILIPINO Mirror.

Comments are closed.