TUMAAS ang dairy imports ng bansa sa first half ng taon ng 12.64 percent sa 1.425 million metric tons (MMT) in liquid milk equivalent (LME), mula sa 1.265 MMT-LME noong 2017, ayon sa National Dairy Authority (NDA).
Gayundin, ang halaga ng total imports ay lumago ng 10.85 percent sa P25.098 billion, mula sa P22.641 billion.
“Milk powder constitutes the bulk of imports contributing 52 percent to the total milk and dairy products imports,” pahayag ng NDA sa Philippine Dairy Update report nito.
“Skimmed milk powder comprised 30 percent, whey powder at 11 percent, whole milk powder at 4 percent and buttermilk powder at 7 percent of milk imports,” dagdag ng NDA.
Ang imports ng skimmed milk powder ay tumaas ng halos 5 percent sa 614,940 MT-LME mula sa 586,330 MT-LME na naitala sa January-to-June period noong 2017.
Sa datos ng NDA, malaking bahagi ng dairy imports ng bansa ay nagmula sa United States, na halos nasa 30 percent, kasunod ang New Zealand.
Ang dairy imports mula sa US sa six-month period ay umabot sa 426,710 MT-LME, sa halagang $99.54 million, habang ang mga inangkat mula sa New Zealand ay umabot sa 392,600 MT-LME.
Sa ulat ng Global Agricultural Information Network (Gain), ang mas murang international dairy products ay makahihikayat sa local traders na umangkat pa ng gatas ngayong taon.
Sa Gain report na inihanda ng United States Department of Agriculture Foreign Agricultural Service sa Manila, ang total milk imports ng bansa ngayong taon ay tinatayang tataas ng 8 percent sa 2.7 MMT-LME mula sa 2.5 MMT-LME noong nakaraang taon. JASPER ARCALAS
Comments are closed.