DAKILA BAGONG BSP DEPUTY GOVERNOR

Assistant Governor Francisco Dakila, Jr..jpg

NAKATAKDANG italaga ngayong araw si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Assistant Governor Francisco Dakila, Jr. bilang Deputy Governor.

“He’ll be appointed maybe tomorrow,” wika ni BSP Governor Benjamin Diokno sa sidelines ng isang launch sa Manila kahapon.

Ang tinutukoy niya ay si Dakila, na nauna nang inanunsiyo na papalit kay Deputy Governor Diwa Guinigundo, na nagretiro noong Martes, Hulyo 2.

Si Guinigundo ay nagretiro makalipas ang 41 taong pagseserbisyo sa BSP.

Si Guinigundo ay nagdiwang ng ika-65 kaarawan noong Martes, ang  mandatory retirement age para sa mga opisyal ng gobyerno, makaraang magsilbi bilang Deputy Governor ng Monetary and Economics Sector.

Samantala, si Dakila ay kasalukuyang Assistant Governor para sa Monetary Policy Subsector.