‘Dalagang Bukid’, pagwawagayway ng kulturang Filipino

Dalagang Bukid ang kauna-unahang pelikulang nai-produce ng isang Filipino. Mula ito sa direksyon ni José Zialcita Nepomuceno at musical play naman nina Hermogenes Ilagan at León Ignacio. Isa itong silent movie dahil silent movie ang uso noong 1919. Ito rin ang simula ng isang film company, ang Malayan Movies. Base ang Dalagang Bukid (Country Maiden) sa isang popular na zarzuela of the time. Si Nepumuceno ang itinuturing na Father of Philippine Movies.

Isinilang si Nepomuceno noong 1893 at namatay noong 1959. Noong 1917, itinatag niya ang Malayan Movies, at naging pinakamalaking film producer siya noong silent era. Halos 90% ng mga empleyado ng mga pre-war film industry ay makakuha ng karanasan at professional skills sa nasabing kumpanya.

Malaki ang naitulong ni Nepomuceno sa sosyedad ng bansa. Nagpakita siya pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng paggawa ng mga pelikulang tumatalakay sa kaugalian, tradisyon at kultura ng mga Filipino.

Nang hindi na uso ang silent movies, nagkaroon siya ng malaking kontribusyon sa pagpapalaganap ng Tagalog sa bansa sa pamamagitan ng kanyang mga pelikula. Tagalog ang dating saligan ng official Filipino language noong 1946.

Bagama’t Dalagang Bukid ang una niyang ginawang pelikula, ang pinakapopular at itinuturing na masterpiece ni Jose Nepomuceno ay ang Noli Me Tangere. Isa itong political at nationalistic film na ipinalabas noong 1930s.

Ipinagmamalaki rin niya ang Punit na Bandila at La Hija de Revolucion. Gayunman, hindi nag-iisa si Nepomuceno sa paggawa ng mga pelikulang ito.

Sa pagtalakay sa Dalagang Bukid, ito at kasaysayang may tema ng pangunguna ng pag-ibig laban sa lahat. Binigyang-diin ng may-akda ang kahalagahan ng tapat at wagas na pagmamahal. Ipinakita ritong hindi lahat ay nabibili ng salapi.

Pinagbidahan ni Atang de la Rama, ang Dalagang Bukid (Country Maiden) ay ipinalabas bilang Filipino silent film noong September 12, 1919. Si Nepocumeno ang direktor at producer nito sa bagong tatag na Malayan Movies, ang kauna-unahang Filipino movie outfit sa bansa.

Base ito sa original zarzuela ni Hermogenes Ilagan, isang sikat na zarzuela writer noong panahong iyon, at itinuturing ding “Father of Tagalog Zarzuela.” Kasama sa pelikula ang original cast ng zarzuela kasama si Atang de la Rama, na siyang kauna-unahang Filipina film actress.

Sa istorya ng zarzuela, pinilit si Angelita ng kanyang mga magulang na magpakasal sa mayamang si Don Silvestre, isang loan shark. Si Angelina ay nagtitida ng bulaklak ngunit napakaganda kaya nagustuhan siya ni Don Silvestre.

Gayunman, kasintahan na ni Angelita ang law student na si Cipriano, na ayaw na ayaw naman ng kanyang mga magulang. Kapwa kasi tamad at sugarol ang kanyang mga magulang, na baon na sa utang sa loan shark na si Don Silvestre, kaya pinipilit nila ang kanilang anak na pakasal dito.

Kapalit ng kasal at gagawan ng paraan ni Don Silvestre na namalo si Angelita sa beauty contest na “La Vanguardia” at pumayag naman ang mga magulang ng dalaga dahil malaking pera ang mapapanalunan dito. Narinig ni Cipriano ang isapan kaya agad niyang pinuntahan si Angelita upang mahinto ang seremonya. Sa halip, silang dalawa ang nagtungo sa simbahan upang magpakasal. Si Angelita pa rin ang nanalo sa beauty contest at doon nila inanunsyo ni Cipriano na sila ay nagpakasal na.

Nang marinig ang balita, hinimatay si Don Silvestre.

Nang sumunod na taon, nagkaroon ng sequel ang Dalagang Bukid. May titulo itong La Venganza de Don Silvestre (The Vengeance of Don Silvestre.) na ipinalabas noong 1920. Sa original zarzuela, nagpaubaya si Don Silvestre kay Cipriano.

Bago ang nasabing pelikula, itinatag muna noong 1915 ng magkapatid na Jose at Jesus Nepocumeno ang Electro-Parnelio, isang photography shop. Di naglaon, bumili si Jose ng sarili niyang film camera at ginawan ng pelikula ang libing ng unang asawa ni Sergio Osmeña na si Doña Estefania Veloso, noong January 1918. Lumaki ang Electro-Parnelio na naging unang Filipino film company na tinawag na Malayan Movies.

Binili ni Jose ang una niyang film equipment kina Albert Yearsley at Edward Meyer Gross noong May 15th, 1917.

Mula noon, nagsimula na siyang pag-aralan kung paano gumawa ng pelikula, hanggang sa magawa na ang Dalagag Bukid na ipinalabas na may Filipino, English, at Spanish subtitles. Gayunman, sa pagpapalabas nito sa mga sinehan, live ang mga singing parts pati na anhgh awiting “Nabasag ang Banga.” Live din ang violin, cornet, at piano players.

Ginagawa nila ito sa bawat palabas.

Naging matagumpay ang palabas dahil mula sa badyet na P25,000 ang pelikula ay kumita ng P90,000 – napakalaking halaga noong 1919.

Walang natira isa man sa mga pelikulang ginawa ni Nepumuceno dahil dalawang beses nasunog ang studio ng Malayan Movies. Noong 1921 at noong 1923. Nasira rin sa The Battle of Manila ang iba pang artifacts, kasama na ang newsreels, equipment, at prints ng mga naunang pelikula.

Noong 2011, natuklasan ng Society of Filipino Archivists for Film (Sofia) na ang ibang scenes mula sa 1934 American movie Brides of Sulu ay kinuha sa silent film ni Nepomuceno noong 1931, — ang Moro Pirates. Dahil dito, nagkaroon ng posibilida na may natatago pang pre-war Filipino silent films sa ibang bansa, kasama na ang mga pelikula ni Nepocumeno.