CAGAYAN – PINANINIWALAANG ginahasa muna saka pinatay ang isang dalagita na natagpuang nakagapos sa isang puno sa maisan sa bayan ng Amulong.
Ayon kay P/Chief Master Sgt. Rey Capili, imbestigador ng kaso, isang concerned citizen ang nagtungo sa kanilang himpilan na may nakita umano siya sa kanyang maisan na isang 14-anyos na babae na nakatali ng isang lubid na ginagamit sa kalabaw at walang saplot pambaba.
Kaagad na nagtungo ang awtoridad sa lugar kung saan tumambad sa kanila na nakatali ang leeg ng biktima sa isang maliit na punong kahoy at wala na itong buhay.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng PNP-Amulong positibo na ginahasa ang biktima batay sa pagsusuri ng doktor na tumingin sa dalagita, na maaring habang ginagahasa ito ay nasasakal dahil sa nakatali ang kanyang leeg.
Pahayag ni Capili na alas-8:30 ng gabi ng Oktubre 13, 2019 huling nakita ang biktima sa kanilang tahanan, ang buong akala umano ng mga magulang ay nakitulog ito sa kanyang lola. IRENE GONZALES
Comments are closed.