ISABELA – PINAG-IINGAT ng mga awtoridad ang mga kababaihan lalo na ang mga menor kung saan ay gumagala pa hanggang sa kasalukuyan ang pinaniniwalaang sex maniac na lalaki na dumukot at gumahasa sa isang 16- anyos na dalagita na tindera ng isang stall.
Sa Santiago City Police Office (SCPO) sa pahayag ng biktima na itago sa pangalang Nora, dakong alas-2 ng madaling araw habang naidlip siya sa loob ng isang burger tand sa Santiago City, sinamantala ng hindi pa nakikilalang suspek para makapasok sa naturang stall.
Nang magulat ang biktima at magising ng may nakatututok nang baril sa kanyang ulo, na inutusan siya ng suspek na bumangon at sumakay sa kotse na nakaparada sa gilid ng nasabing stall.
Wala umanong nagawa ang biktima kundi sumunod sa lalake, at dinala sa isang hindi pa matukoy na lugar at doon ginahasa sa biktima sa loob ng kotse.
Makaraang maikasatuparan ng suspek ang panggagahasa ay ibinababa ito sa gilid ng daan na madilim na bahagi sa Barangay Ambalatungan, lungsod ng Santiago na doon na siya humingi nang tulong ang naturang biktima sa mga opisyal ng barangay. IRENE GONZALES
Comments are closed.