BULACAN – MASAKLAP ang sinapit ng isang 15-anyos na dalagita nang umano’y molestiyahin ng kaniyang kainuman sa bayan ng Baliuag.
Ayon kay P/Col. Lawrence Cajipe, acting provincial director ng Bulacan-PNP, inaresto ng pulisya ang limang suspek, apat sa kanila ay menor dahil sa panggagahasa sa biktima sa Barangay Mulawin.
Kinilala ang isang naaresto na si Eugene Quijano Mallari, 21-anyos, samantala ang iba pang suspek ay dalawang 17-anyos, isang 15-anyos, at isang 16-anyos mga binatilyo.
Lumilitaw sa imbestigasyon ng mga tauhan ng Baliwag Municipal Police Station (MPS), ang biktima at ang mga suspek ay nagkaroon muna ng inuman.
Nang malasing ang biktima ay pinagtutulungan siyang dalhin ng mga suspek sa isang kubo at saka halinhinang ginahasa.
Nang maisakatuparan ng mga suspek ang buktot na hangarin ay dinala nila ang biktima sa isang kaibigan nito na nagngangalang Joane na pinagkuwentuhan ng panghahalay sa kanya ng mga suspek.
Sa paghimok ng kaibigan sa biktima ay kaagad silang nagsadya sa himpilan ng Baliwag MPS at isinumbong ang naganap sa panggagahasa na nagresulta sa isa-isang pagkaaresto sa mga suspek. MARIVIC RAGUDOS
Comments are closed.