SULTAN KUDARAT-PATAY ang 10-anyos na dalagita matapos na aksidenteng mabaril ng nakababatang kapatid sa Lutayan.
Kinilala ni Barangay Chairman Celia Avanzado ng Barangay Palavilla ang biktimang si Angel Bliss Pututan, Grade 5 pupil at residente ng Purok Pag-asa ng nasabing barangay.
Ayon kay Avanzado, pinaglaruan ng magkapatid ang isang homemade shot gun habang nasa bahay kubo ng mga ito sa bulubunduking bahagi ng Sitio Makapol sa nabanggit na barangay.
At aksidenteng nakalabit ng 7-anyos na batang babae ang gatilyo ng baril kung saan tinamaan sa dibdib ang biktima ng walong beses.
Napag-alaman na nasa 100 metro ang layo ng ina at stepfather ng biktima sa bahay kubo dahil namumutol umano ng kahoy ang mga ito para sa gagawing uling’ bilang pangkabuhayan.
Narinig na lamang nila ang mga putok ng baril at nang tingnan sa bahay kubo ang mga bata ay nakahandusay na ang biktima na naliligo sa sariling dugo.
Agad naman na dinala sa South Cotabato Provincial Hospital ang dalagita ngunit idineklarang dead on arrival ng doctor. EUNICE CELARIO
379991 858386Some truly good stuff on this site , I it. 609620
37841 98847You should participate in a contest for among the best blogs on the internet. I will suggest this internet website! 219464