DALAGITA NASUNOG NANG MAGLIYAB ANG GOWN

LIGTAS na ang lagay ng isang 17-anyos na dalagita na nagtamo ng first degree burn matapos masunog ang suot nitong gown sa kasagsagan ng aktibidad ng grupo ng kabataan sa Estancia, Iloilo.

Ayon kay Police Lt. Joebert Amado, hepe ng Estancia Municipal Police Station, may culminating activity ang Pag -Asa Youth Association of the Philippines na ginanap sa plaza sa nasabing bayan.

Ayon kay Amado, naghahanda ng kanilang costume ang mga contestants sa isang modelling show nang sinindihan ng kasama ng biktima ang glue stick gamit ang lighter ngunit dahil gawa sa light materials ang costume, mabilis itong kinain ng apoy.

Nasunog ang kamay at paa ng dalagita na kaagad namang dinala sa ospital at patuloy pa na ginagamot.